ulanmaya
20040624
  girly guilts
from my phone around 1:43 p.m. today:

oh la la. mint oreo chocolate javakula. seabest @ loyola rocks. :) nuff sed :swoon:

==============

hay. i hate girly things. too sweet, like rich chocolate cake: very, very bad. mwahaha.

==============

girly book

All the Right Moves, Tara FT Sering. [ more ]

erm... ionno. ahahahaha! but now i'm curious. :evil:

==============
Pula ang Kulay ng Text Message
ni Genevieve L. Asenjo [ webpage ]

Lumipad hanggang Taft Avenue ang tuwa
ng bunso kong kapatid. Dumating itong
tunog-Kinaray-a. Nakakatuwa itong aming bunso,
tuwang-tuwa siya. Pulang kasing-tingkad
daw ng gumamela sa likod-bahay,
saka malapot na parang inasukalang lugaw.
Pulang-malapot na nakakagayuma ang amoy.
Natutuwa siyang iba ito sa amoy
ng pulang umagos sa kanyang ilong
nang minsang lumipad sa kanyang mukha
ang isang kamao ng natalong kalaro.
Kakaiba rin sa kirot ng tusok
ng mga tinik, gasgas-peklat pilat
ng pangangahoy at pag-akyat sa puno
tuwing tag-araw. Nakakatuwa, nauna pa siya
sa pinsang nasa hayskul na. Ngunit,
ay, lumipad siyang pababa ng hagdan
na di nilakbangan ang tatlong baitang.
Hindi rin isina-loofah sa mukha
ang panting namula. (Ibili ko na
lang raw siya ng facial wash).

Nakakatuwa. Ako kasi noon piping-pipi.
Ikinahiya ko sa bawat paghiyaw-diwang
ng mga lalaking kaklase ang pulang
tagos sa uniporme. May kung anong
sundot ng pangamba't pagkaasiwa sa bawat
pansin, tukso, banta ng matatanda. Nakakabingi
maging ang bulong ng ibang kabarong
dumi't sumpa ang pag-angkin sa agos
ng pulang-malapot. Nakakatuwa, amoy-buhay
itong bumuhay ng sariling tuwa sa
lipad ng gunita. At talagang nakakatuwa --
dahan-dahang humagod ang daliri ko
sa dibdib hanggang sa puson pababa
pababa at inamoy-dinama ang pag-iisa:
Ako at si Bunso.
Natatawa akong lumabas
para bumili ng panibagong cellcard.
 
Comments: Post a Comment



<< Home

welcome, and thank you for boarding the ulanmaya transit express. tickets, please. mind the gap as you depart. have a pleasant experience.

Archives
05/01/2004 - 06/01/2004 / 06/01/2004 - 07/01/2004 / 07/01/2004 - 08/01/2004 / 08/01/2004 - 09/01/2004 / 09/01/2004 - 10/01/2004 / 10/01/2004 - 11/01/2004 / 11/01/2004 - 12/01/2004 / 12/01/2004 - 01/01/2005 / 01/01/2005 - 02/01/2005 / 02/01/2005 - 03/01/2005 / 03/01/2005 - 04/01/2005 / 04/01/2005 - 05/01/2005 / 05/01/2005 - 06/01/2005 / 06/01/2005 - 07/01/2005 / 07/01/2005 - 08/01/2005 / 08/01/2005 - 09/01/2005 / 09/01/2005 - 10/01/2005 / 10/01/2005 - 11/01/2005 / 11/01/2005 - 12/01/2005 / 12/01/2005 - 01/01/2006 / 01/01/2006 - 02/01/2006 / 02/01/2006 - 03/01/2006 / 03/01/2006 - 04/01/2006 / 04/01/2006 - 05/01/2006 / 05/01/2006 - 06/01/2006 / 06/01/2006 - 07/01/2006 /





gromit is curious

Powered by Blogger