ulanmaya
20040704
  bahagi
magsimula tayo sa madali:

matagal na pala akong
bahagi ng tahanan ninyo.
inuunahan ako ng galak na
hinaluan ng hiya na
namimilipit sa tiyan kong
gulong-gulo't lundag ng lundag.

unahin natin ang madali:

sandaling tuwa lang pala iyon,
tila buhos ng ulang inipon
ng himpapawid hanggang maabot
ang pinakatamang tiempo,
ang pinakahustong oras.

may nagreklamong papano daw tayo
magkakasundo't papano daw tayo
mabubuhay nang walang sapat na
aralin, walang sapat na trabaho?

maraming nag-aalalang aalagaan mo
ba daw tayo't ang ating minimithiing
mga plano, planong katas ng imahinasyon
sa lupaing nakalaan sa panaginip?

ah, pero sandali -

sabi mo masanay na ako sa 'yong
mga sorpresa, sa 'yong madiing
panramdam para sa aking pakikisama,
dahil ako na'y bahagi, bahagi ng 'yong
tahanan -

para kang may panaginip na
papaano kaya tayong mabuhay
bilang pinakahuling paris ng tao
sa buong daigdig -

ngunit kumagat ang katotohanan -
matagal ka na palang nakapili.
para akong naging balanse, ebidensya
ng iyong napiling ligaya.

noong kinuwento mong may madiing
tinik na pumapako sa yong dibdib,
tumigil ako. sa iyo nang lahat
ng aking mga muni-muni. wala akong oras
para sa mga larong sinasabi mong madali.
 
Comments: Post a Comment



<< Home

welcome, and thank you for boarding the ulanmaya transit express. tickets, please. mind the gap as you depart. have a pleasant experience.

Archives
05/01/2004 - 06/01/2004 / 06/01/2004 - 07/01/2004 / 07/01/2004 - 08/01/2004 / 08/01/2004 - 09/01/2004 / 09/01/2004 - 10/01/2004 / 10/01/2004 - 11/01/2004 / 11/01/2004 - 12/01/2004 / 12/01/2004 - 01/01/2005 / 01/01/2005 - 02/01/2005 / 02/01/2005 - 03/01/2005 / 03/01/2005 - 04/01/2005 / 04/01/2005 - 05/01/2005 / 05/01/2005 - 06/01/2005 / 06/01/2005 - 07/01/2005 / 07/01/2005 - 08/01/2005 / 08/01/2005 - 09/01/2005 / 09/01/2005 - 10/01/2005 / 10/01/2005 - 11/01/2005 / 11/01/2005 - 12/01/2005 / 12/01/2005 - 01/01/2006 / 01/01/2006 - 02/01/2006 / 02/01/2006 - 03/01/2006 / 03/01/2006 - 04/01/2006 / 04/01/2006 - 05/01/2006 / 05/01/2006 - 06/01/2006 / 06/01/2006 - 07/01/2006 /





gromit is curious

Powered by Blogger