ulanmaya
20040712
  neruda
grabbed from this [ webpage ]

---------------------------
KUNDIMAN
by Pablo Neruda


Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.

Maisusulat, halimbawa: "Ang gabi'y mabituin,
at nanginginig, asul, ang mga tala sa dako pa roon."

Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit.

Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Siya'y inibig ko, at kung minsan ako'y inibig din niya.

Sa mga gabing tulad nito, niyakap ko siyang mahigpit
at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.

Ako'y inibig niya, kung minsan siya'y inibig ko rin.
Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam?

Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Isipin lang: Hindi ko siya kapiling. Nawala siya sa akin.

Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagkat wala siya.
At ang tula'y pumapatak sa diwa, parang hamog sa parang.

Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig?
Ang gabi'y mabituin, at siya'y hindi ko kapiling.

Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo.
Diwa ko'y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala.

Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya.
Puso'y naghahanap sa kanya, at siya'y hindi kapiling.

Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy.
Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati.

Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos.
Tinig ko'y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig.

Sa iba. Siya'y sa iba na. Tulad ng mga dati kong halik.
Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang-hanggan.

Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya.
Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot.

Pagkat sa mga gabing tulad nito'y niyakap ko siyang mahigpit,
diwa ko'y di mapalagay dahil sa kanyang pagkawala.

Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin,
at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya.


---------------------------
IPINALILIWANAG KO ANG ILANG BAGAY
by Pablo Neruda

Itatanong ninyo: At nasaan ang mga lila?
At ang metapisikang nababalot ng amapola?
At ang ulan na madalas na sumasalpok
sa kanyang mga kataga, tinatadtad iyon
ng butas at ibon?

Ikukuwento ko ang lahat ng nangyari sa akin.

Nakatira ako sa isang baryo
ng Madrid, may mga kampana,
relo, punongkahoy.

Mula roon ay natatanaw
ang tuyong mukha ng Castilla,
tila kuwerong dagat.
Ang tawag sa bahay ko'y
bahay ng mga bulaklak, pagkat sa lahat ng dako
sumasambulat ang hasmin: iyon
ay bahay na maganda,
may mga aso't bata.
Raul, naaalaala mo?
Naaalaala mo, Rafael?
Federico, naaalaala mo
sa kinalilibingan mong lupa,
naaalaala mo ang bahay kong may mga balkonahe,
ang mga bulaklak na nilunod sa iyong bibig
ng liwanag ng Hunyo?
Kapatid, kapatid!
Ang lahat
ay tinig na matitinis, inilalakong asin,
kumpulan ng titibok-tibok na tinapay,
mga palengke ng baryo kong Arguelles na may istatwang
tila maputlang lalagyan ng tinta, napaliligiran ng isda:
ang mantika'y lumalapit sa mga kutsara,
mga paa't kamay
ay matinding pintig sa mga kalye,
metro, litro, maanghang
na katas ng buhay,
nakatambak na tulingan,
kulu-kulubot na bubong at malamig na araw
na pumapagod sa banoglawin,
makinis at nakahihibang na garing ng patatas,
hile-hilerang kamatis na umaabot sa dagat.

At isang umaga, lahat ng ito'y nagliliyab.
At isang umaga, ang apoy
ay pumapailanlang mula sa lupa,
lumalamon ng buhay,
at mula noon, sunog,
pulbura mula noon,
at mula noon, dugo.
Ang mga bandidong may mga eroplano't alipures,
ang mga bandidong may mga singsing at dukesa,
ang mga bandidong may mga prayleng nagbibindisyon
ay bumaba mula sa langit para pumatay ng mga bata,
at sa mga kalye ang dugo ng mga bata
ay umagos na lamang at sukat, tulad ng dugong bata.

Mga hayop na kamumuhian ng hayop,
mga batong kakagatin ng damo at iluluwa,
mga ahas na kasusuklaman ng ahas!

Sa inyong harap, nakita ko ang dugo
ng Espanya, bumubulwak
para lunurin kayo sa daluyong
ng kapalaluan at mga balaraw.

Mga taksil
na heneral:
masdan ang bahay kong patay,
masdan ang Espanyang lupaypay:
pero mula sa bawat bahay lumilitaw ang nagbabagang asero
sa halip na bulaklak,
mula sa bawat sulok ng Espanya
lumilitaw ang Espanya,
mula sa bawat batang patay lumilitaw ang baril na may mata,
mula sa bawat krimen sumisilang ang mga punglo
na isang araw ay matatagpuan sa gitna
ng inyong puso.

Itatanong ninyo kung bakit sa kanyang mga tula
ay hindi inaawit ang mga pangarap, mga dahon,
ang malalaking bulkan ng kanyang lupang tinubuan?

Halikayo't pagmasdan ang dugo sa mga kalye,
halikayo't pagmasdan
ang dugo sa mga kalye,
halikayo't pagmasdan ang dugo
sa mga kalye.


---------------------------
ANG TUNGKULIN NG MAKATA
by Pablo Neruda

Sa sinumang hindi nakikinig sa dagat ngayong
Biyernes ng umaga, sa sinumang nasa loob
ng bahay, opisina, pabrika o babae,
o kalye o minahan o tuyong bartolina:
sa kanya ako lumalapit, at walang kaimik-imik
binubuksan ko ang pinto ng piitan,
at isang walang-katapusang ugong ang maririnig,
dagundong ng kulog na nag-uugnay
sa bigat ng planeta at bula ng alon,
mag-aalsa ang namamaos na mga ilog ng dagat,
manginginig ang bituin sa kanyang mga talulot
at ang karagatan ay titibok, papanaw, magpapatuloy.

Kaya, bilang pag-alinsunod sa aking tadhana,
dapat kong pakinggang lagi at pakaingatan
ang panaghoy ng dagat sa aking budhi,
dapat kong damhin ang hampas ng matigas na tubig
at ipunin iyon sa isang tasang walang-hanggan,
nang sa gayon, saanman naroroon ang nakabilanggo,
saanman siya dumaranas ng parusa ng taglagas,
makasisipot akong kasama ang gumagalang alon,
makapapasok ako sa mga bintana,
at ang sinumang makarinig sa akin ay titingala
at magtatanong: Paano ko mararating ang dagat?
At walang kibo kong iaabot sa kanila
ang alingasngas ng mumunting alon,
ang pagsambulat ng bula at buhangin,
ang anasan ng asin na kusang humihiwalay,
ang abuhing hiyaw ng ibon sa dalampasigan.

At sa pamamagitan ko, ang kalayaan at ang dagat
ay tutugon sa pusong nasa karimlan.

=========================
grabbed from this [ webpage ]

Puedo escribir los versos más tristes esta noche.

Escribir por ejemplo: "La noche está estrellada, y tiritan,
azules, los astros, a lo lejos".

El viento de la noche gira en el cielo y canta.

Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Yo la quise, y a veces ella también me quiso.

En las noches como ésta la tuve entre mis brazos.
La besé tantas veces bajo el cielo infinito.

Ella me quiso, a veces yo también la quería
Como no haber amado sus grandes ojos fijos.

Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Pensar que no la tengo. Sentir que la he perdido.

Oír la noche inmensa, más inmensa sin ella
Y el verso cae al alma como al pasto el rocío.

Qué importa que mi amor no pudiera guardarla.
La noche está estrellada y ella no está conmigo.

Eso es todo. A lo lejos alguien canta. A lo lejos.
Mi alma no se contenta con haberla perdido.

Como para acercarla mi mirada la busca,
Mi corazón la busca, y ella no está conmigo.

La misma noche que hace blanquear los mismos árboles.
Nosotros, los de entonces, ya no somos los mismos.

Ya no la quiero, es cierto, pero cuánto la quise.
Mi voz buscaba el viento para tocar su oído.

De otro. Será de otro. Como antes de mis besos.
Su voz, su cuerpo claro. Sus ojos infinitos.

Ya no la quiero, es cierto, pero tal vez la quiero.
Es tan corto el amor, y es tan largo el olvido.

Porque en noches como ésta la tuve entre mis brazos,
Mi alma no se contenta con haberla perdido.

Aunque éste sea el último dolor que ella me causa,
y éstos sean los últimos verso que yo le escribo.


-------------------------------
translation by Mark Eisner


I can write the saddest verses tonight.

Write, for example, "The night is shattered with stars,
twinkling blue, in the distance."

The night wind spins in the sky and sings.

I can write the saddest verses tonight.
I loved her, and sometimes she loved me too.

On nights like this I held her in my arms.
I kissed her so many times beneath the infinite sky.

She loved me, at times I loved her too.
How not to have loved her great still eyes.

I can write the saddest verses tonight.
To think that I don't have her. To feel that I have lost her.

To hear the immense night, more immense without her.
And the verse falls onto my soul like dew onto grass.

What difference does it make if my love could not keep her.
The night is shattered, full of stars, and she is not with me.

That's all. In the distance, someone sings. In the distance.
My soul is not at peace with having lost her.

As if to bring her closer, my gaze searches for her.
My heart searches for her, and she is not with me.

The same night that whitens the same trees.
We, of then, now are no longer the same.

I no longer love her, it's true, but how much I loved her.
My voice searched for the wind which would touch her ear.

Another's. She will be another's. As before my kisses.
Her voice, her bright body. Her infinite eyes.

I no longer love her, it's true, but maybe I love her.
Love is so short, and forgetting is so long.

Because on nights like this I held her in my arms,
my soul is not at peace with having lost her.

Though this be the last pain she makes me suffer
and these the last verses I write for her.
 
Comments: Post a Comment



<< Home

welcome, and thank you for boarding the ulanmaya transit express. tickets, please. mind the gap as you depart. have a pleasant experience.

Archives
05/01/2004 - 06/01/2004 / 06/01/2004 - 07/01/2004 / 07/01/2004 - 08/01/2004 / 08/01/2004 - 09/01/2004 / 09/01/2004 - 10/01/2004 / 10/01/2004 - 11/01/2004 / 11/01/2004 - 12/01/2004 / 12/01/2004 - 01/01/2005 / 01/01/2005 - 02/01/2005 / 02/01/2005 - 03/01/2005 / 03/01/2005 - 04/01/2005 / 04/01/2005 - 05/01/2005 / 05/01/2005 - 06/01/2005 / 06/01/2005 - 07/01/2005 / 07/01/2005 - 08/01/2005 / 08/01/2005 - 09/01/2005 / 09/01/2005 - 10/01/2005 / 10/01/2005 - 11/01/2005 / 11/01/2005 - 12/01/2005 / 12/01/2005 - 01/01/2006 / 01/01/2006 - 02/01/2006 / 02/01/2006 - 03/01/2006 / 03/01/2006 - 04/01/2006 / 04/01/2006 - 05/01/2006 / 05/01/2006 - 06/01/2006 / 06/01/2006 - 07/01/2006 /





gromit is curious

Powered by Blogger