ulanmaya
20050630
  bea naghihintay

bea naghihintay
Originally uploaded by ulanmaya_deux.

from the march 2005 open mic event at sala cafe.



Paghihintay
Bea C. Rodriguez

Unang ulan ng niyebe, at ako'y nangangatog sa galak.
Bagama't maginaw at matagal ang pagdating ng tren,
kay sarap pagmasdan ng pagbagsak ng mumunting bulak.
Tila biglang ninais ng Diyos na muling matikman ang halo-halo
at nagsimulang magkaskas ng yelo. Sabi marahil kay Pedro,
magpalamig muna tayo, istilo-Pilipino.

Hindi ko inakalang ganito pala kabilis matunaw sa palad,
tila koton kendi sa dila. Matagal ang pagdating ng tren,
ngunit walang nararating ang hiling na ibinibigay agad-agad.
Matagal akong nakapaghintay sa sandaling ito; sandaling
bunga ng panalangin, biyaya, pagpapakasakit at hirap,
upang makamtan ang bulak-niyebe at ating pangarap.

Sa pagdating tren, umaapaw ang halo-halong kulay ng tao:
ang mga balat nila'y singkulay ng pinipig, beans, gatas,
saging, buko. Sa loob, ako'y naupo at muling nagtaka kung ano
ang ibig sabihing maging Amerikano. Sa labas, iba't ibang hugis
at habi ay kinukumutan ng yelo. Ngunit parating sarado
ang kanya-kanyang pinto; kaunti ang nakikihalubilo.

Walang pagkakaisa ang mga lasa rito. Lahat ay matabang.
Iba-iba, isa-isa. Nais ko sanang sumisid o maghukay sa niyebe,
hanapin ang pinakapusod ng tamis; isang tikim lamang
ang kailangan. Unang ulan ng niyebe, at ako'y nangangatog sa lumbay:
naghihintay na muling matikman ang halo-halong tinitinda sa kanto,
bagama't maginaw at patuloy ang pagbagsak ng yelo.

Salamat sa iyong pagtangkilik! Thanks for hanging out with us - sa uulitin!
- Bea
 
Comments: Post a Comment



<< Home

welcome, and thank you for boarding the ulanmaya transit express. tickets, please. mind the gap as you depart. have a pleasant experience.

Archives
05/01/2004 - 06/01/2004 / 06/01/2004 - 07/01/2004 / 07/01/2004 - 08/01/2004 / 08/01/2004 - 09/01/2004 / 09/01/2004 - 10/01/2004 / 10/01/2004 - 11/01/2004 / 11/01/2004 - 12/01/2004 / 12/01/2004 - 01/01/2005 / 01/01/2005 - 02/01/2005 / 02/01/2005 - 03/01/2005 / 03/01/2005 - 04/01/2005 / 04/01/2005 - 05/01/2005 / 05/01/2005 - 06/01/2005 / 06/01/2005 - 07/01/2005 / 07/01/2005 - 08/01/2005 / 08/01/2005 - 09/01/2005 / 09/01/2005 - 10/01/2005 / 10/01/2005 - 11/01/2005 / 11/01/2005 - 12/01/2005 / 12/01/2005 - 01/01/2006 / 01/01/2006 - 02/01/2006 / 02/01/2006 - 03/01/2006 / 03/01/2006 - 04/01/2006 / 04/01/2006 - 05/01/2006 / 05/01/2006 - 06/01/2006 / 06/01/2006 - 07/01/2006 /





gromit is curious

Powered by Blogger